Biyernes, Enero 30, 2015

REPLEKSYON para sa Ika-apat na Linggo ng Enero

          Sa Linggong ito tinalakay namin ang tungkol sa mga tauhan sa novelang Noli Me Tangere. Binigyang diin namin ang mga tauhan tulad ni Crisostomo Ibarra ang bida sa novela, siya ang kumakatawan bilang Jose Rizal sa totoong buhay, dahil tulad ni Rizal si Ibarra ay nakapag-aral sa Europa at kontra sa Simbahang katoliko dahil sa mga gawain nitong di-makatarungan. Maaari rin nating ihalintulad si Elias kay...
Read More ->>

Lunes, Enero 26, 2015

REPLEKSYON para sa Ikatlong Linggo ng Enero

          Sa linggong, tinalakay namin ang tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Nagbigay si Gng. Mixto ng mga impormasyong maaaring mai-ugnay sa dahilan kung bakit nasulat ni Dr. Jose Rizal ang Noli Me Tangere. Ito ay ang Pang-aabuso ng mga Prayle, Pagbubukas ng Suez Canal, at ang Pagbagsak ng Espanya sa pagiging kolonisador, ngunit kami ay labis na nahirapan sa pag-ugnay ng...
Read More ->>

Sabado, Enero 24, 2015

Noli Me Tangere

Noli Me Tangere: Mga Tauhan Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher...
Read More ->>

Biyernes, Enero 16, 2015

REPLEKSYON para sa Ikalawang Linggo ng Enero

          Sa linggong ito, tinalakay namin ang unang pag-aaralan sa pang-apat na markahan. Ito ay ang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal. Ito ay isang klasikong babasahin na ang ibig sabihin sa tagalog ay "Huwag mo akong Salingin" at ang ibig sabihin naman sa Ingles ay "Touch me not". Binigay din sa amin ang ipapasang produkto para sa ika-apat na markahan. Ang produkto ay gagawa kami ng short film tungkol...
Read More ->>

Biyernes, Enero 9, 2015

REPLEKSYON para sa Unang Linggo ng Enero

Sa unang lingo ng Enero, tinalakay namin ang tungkol sa sanaysay. Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng matatalinong pagkukuro. Ito'y makatwirang paghahanay ng mga kaisipan at ng damdamin ng sumusulat ayon sa kanyang karanasan, kaalaman at haka-haka. Mayroon itong tatlong element, ito ay ang paksa, tono, at kaisipan. Matapos naming talakayin ito, binigyan kami ni...
Read More ->>
Pinapagana ng Blogger.