Sa linggong ito, dalawang araw wala si Gng.Mixto sa aming klase, kaya't si G.Mixto ang nagturo sa amin.
Read More ->>
Binigyan niya kami ng tatlong gawain, tungkol ito sa "Ang Dalit kay Maria","Kung tuyo na ang luha mo aking Bayan" at "Oda". Sa pagbabalik ni Gng.Mixto sa aming klase, tinalakay namin ang mga akdang binigay sa amin ni G.Mixto at mas inintindi namin ang mga ito. Meron din kaming bagong nalaman, ang Dalit at Oda.
Ang Dalit ay katutubong tula na may walong pantig bawat taludtod, at ang Oda naman ay tulang maramdamin, pumupuri sa marangal na gawain ng tao