Sa Linggong ito
tinalakay namin ang tungkol sa mga tauhan sa novelang Noli Me Tangere.
Binigyang diin namin ang mga tauhan tulad ni Crisostomo Ibarra ang bida sa
novela, siya ang kumakatawan bilang Jose Rizal sa totoong buhay, dahil tulad ni
Rizal si Ibarra ay nakapag-aral sa Europa at kontra sa Simbahang katoliko dahil
sa mga gawain nitong di-makatarungan. Maaari rin nating ihalintulad si Elias
kay Rizal, ngunit siya ang kabaliktaran ni Rizal, dahil ginagamit ni Elias ang
kanyang lakas upang ipaglaban ang kanilang bayan. Maaaring nabuo ni Rizal ang
mga tauhan sa novela, sa mga taong araw-araw niyang nakakasalamuha at sa
kanyang paligid.
Mga
Tauhan:
Crisostomo Ibarra Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Elias Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Kapitan Tiyago Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Padre Damaso Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Padre Salvi Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara. Maria Clara Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso Pilosopo Tasyo Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Sisa Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit. Basilio at Crispin Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Alperes Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego Donya Victorina Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Donya Consolacion Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali. Don Tiburcio de Espadaña Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina. Linares Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara. Don Filipo Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang Señor Nol Juan Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan. Lucas Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra. Tarsilo at Bruno Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila. Tiya Isabel Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara. Donya Pia Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang. Iday, Sinang, Victoria,at Andeng Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego Kapitan-Heneral Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra. Don Rafael Ibarra Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe. Don Saturnino Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias. Mang Pablo Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias. Kapitan Basilio Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin Tinyente Guevarra Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama. Kapitana Maria Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama. Padre Sibyla Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra. Albino Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa. |
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento