Miyerkules, Marso 18, 2015

Palagay sa aking GURO

          Ang aking palagay sa aking guro, sa umpisa ay natakot kami sa kanyang pagpasok sa aming klase sapagkat sa una mong tingin sa kanya ay parang napakasungit niya at napaka-strikto ngunit habang tumatagal ay hindi naman pala siya ganoon ka-sungit kailangan mo lang maging  mabait sa kanya at siyempre magiging mabait din siya sayo. Isa siyang magaling na guro para sa akin at isa rin siya sa mga gurong mabait sa amin dahil kung mayroon ka mang hindi gaanong nauunawaan ay maaari mo siyang tanungin at kung minsan ay may mga pakulong ginagawa ang aming klase na nag-uumpisa ng ingay ay makikisama siya kung minsan pero siyempre hindi maganda kung sobrang ingay kaya pinapagalitan naman kami at para rin naman ito sa amin.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

Pinapagana ng Blogger.