Sabado, Oktubre 25, 2014

Ang aking KATABI

Ang katabi kong gwapo na si Bryan G. Bueno. Siya ay sobrang gulo, sobrang kulit pero masaya siyang katabi lalo na kapag ikaw ay nababagot.
Malusog ang kanyang pangangatawan at sobrang takaw kumain.
Mahilig din siyang maglaro ng (LoL) League of Legends katulad ko pero hindi naman namin pinapabayaan ang aming pagaaral. Tamang balanse lang ng pagaaral at paglalaro.
Inaasar siya ng iba na "BATOK" dahil ang itim ng kanyang batok. Hindi ko nga rin alam kung bakit ang itim ng batok niya, siguro ay pawisin siya o dahil sobrang init lang talaga paglumalabas siya.
Magaling siya sa asignaturang Araling Panlipunan at mahilig din siya sa mga gera halos kabisado niya yata ang libro namin sa Araling Panlipunan. Yan ang aking katabi na si Bryan G. Bueno.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

Pinapagana ng Blogger.