Sa linggong ito, wala si Gng.Mixto kaya si Bb.Basbas ang nagturo sa amin, ngunit hindi maganda ang pakiramdam ni Bb.Basbas kaya inutusan niya si Trixie Usa upang magturo sa amin. Ang tinuro sa amin ay ang dalawang uri ng paghahambing, ito ay ang Magkatulad at Di-Magkatulad.
Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay may patas na katangian.
Hal. Pareho silang maganda.
Magkasing puti ang blouse na iyon.
Paghahambing na di-magkatulad - ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay maymagkaibang katangian. May dalawa itong uri:
a.Pasahol- kung ang hinahambing ay mas maliit.
Hal. Di-gaanong mabigat ang bag ko ngayon kaysa kahapon.
Hindi ko lubhang naintindihan ang turo ng bago nating titser.
b.Palamang- kung ang hinahambing ay mas malaki o naka hihigit sa pinaghahambingan,gumagamit ito ng mga salitang higit, labis at di-hamak.
Hal. Labis ang saya ang naramdaman ni Ana noong nakita niya ang tatay niya.
Di-hamak na mas maganda ang proyekto ni Ana kay Lito.
Matapos ituro sa amin binigyan kami ng pangkatang gawain. Kailangan lamang naming gumawa ng sampung pangungusap na may iba't-ibang salitang naghahambing. Sa pagmamarka sa aming pangkatang gawain, naging mahigpit ang aming guro sapagkat madaming nagkakamali sa paggawa ng pangungusap.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pinapagana ng Blogger.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento