Sa Linggong ito, si Gng. Mixto ay nakabalik na sa aming klase, siya na ulit ang aming guro. Sa isang buong linggo, tinalakay namin ang tungkol sa Paghahambing at ang dalawang uri nito, ang Pahahambing na Magkatulad at Paghahambing na Di-magkatulad. Matapos ituro saamin ang paghahambing, binigyan kami ni Gng. Mixto ng gawain kung saan kailangan mong gumawa ng pangungusap at gagamitan mo ng mga salitang paghahambing.
Binalikan din namin ang Rama at Sita upang maunawaan pa namin ito ng husto. Pinasagutan sa amin ang mga Pokus na Tanong na patungkol sa mga araling aming tinalakay. At pinag-usapan din namin ang tungkol sa iba't-ibang klase ng pagmamahal. May mga taong nagmamahal dahil nangangailangan lang sila ng pera. May mga tao namang nagmamahal ng sobra, kaso sa sobrang pagmamahal nila, kaya nilang saktan kahit sino makuha lang nila ang kanilang iniibig. Pinaalala rin sa amin ang tungkol sa gagawin naming proyekto, gagawan namin ng repleksyon ang palabas na Ilustrado.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pinapagana ng Blogger.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento