Biyernes, Nobyembre 28, 2014

REPLEKSYON para sa Ikaapat na Linggo

Sa Linggong ito pinag-aralan namin ang tungkol sa Parabula na nag lalaman ng Talinghaga.
Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.
Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
Halimbawa ng Parabula:

Photo
Read More ->>

Sabado, Nobyembre 22, 2014

REPLEKSYON para sa Ikatlong Linggo

Sa Linggong ito, si Gng. Mixto ay nakabalik na sa aming klase, siya na ulit ang aming guro. Sa isang buong linggo, tinalakay namin ang tungkol sa Paghahambing at ang dalawang uri nito, ang Pahahambing na Magkatulad at Paghahambing na Di-magkatulad. Matapos ituro saamin ang paghahambing, binigyan kami ni Gng. Mixto ng gawain kung saan kailangan mong gumawa ng pangungusap at gagamitan mo ng mga salitang paghahambing.
Binalikan din namin ang Rama at Sita upang maunawaan pa namin ito ng husto. Pinasagutan sa amin ang mga Pokus na Tanong na patungkol sa mga araling aming tinalakay. At pinag-usapan din namin ang tungkol sa iba't-ibang klase ng pagmamahal. May mga taong nagmamahal dahil nangangailangan lang sila ng pera. May mga tao namang nagmamahal ng sobra, kaso sa sobrang pagmamahal nila, kaya nilang saktan kahit sino makuha lang nila ang kanilang iniibig. Pinaalala rin sa amin ang tungkol sa gagawin naming proyekto, gagawan namin ng repleksyon ang palabas na Ilustrado.
Read More ->>

Linggo, Nobyembre 16, 2014

REPLEKSYON para sa Ikalawang Linggo

Sa linggong ito, wala si Gng.Mixto kaya si Bb.Basbas ang nagturo sa amin, ngunit hindi maganda ang pakiramdam ni Bb.Basbas kaya inutusan niya si Trixie Usa upang magturo sa amin. Ang tinuro sa amin ay ang dalawang uri ng paghahambing, ito ay ang Magkatulad at Di-Magkatulad.

Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay may patas na katangian. 
Hal. Pareho silang maganda.
       Magkasing puti ang blouse na iyon.
Paghahambing na di-magkatulad - ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay maymagkaibang katangian. May dalawa itong uri:
a.Pasahol- kung ang hinahambing ay mas maliit.
Hal. Di-gaanong mabigat ang bag ko ngayon kaysa kahapon.
       Hindi ko lubhang naintindihan ang turo ng  bago nating titser.
b.Palamang- kung ang hinahambing ay mas malaki o naka hihigit sa pinaghahambingan,gumagamit ito ng mga salitang higit, labis at di-hamak. 
Hal. Labis ang saya ang naramdaman ni Ana noong nakita niya ang tatay niya.
      Di-hamak na mas maganda ang proyekto ni Ana kay Lito.


Matapos ituro sa amin binigyan kami ng pangkatang gawain. Kailangan lamang naming gumawa ng sampung pangungusap na may iba't-ibang salitang naghahambing. Sa pagmamarka sa aming pangkatang gawain, naging mahigpit ang aming guro sapagkat madaming nagkakamali sa paggawa ng pangungusap.
Read More ->>
Pinapagana ng Blogger.