Ang aking palagay sa aking guro, sa umpisa ay natakot kami sa kanyang pagpasok sa aming klase sapagkat sa una mong tingin sa kanya ay parang napakasungit niya at napaka-strikto ngunit habang tumatagal ay hindi naman pala siya ganoon ka-sungit kailangan mo lang maging mabait sa kanya at siyempre magiging mabait din siya sayo. Isa siyang magaling na guro para sa akin at isa rin siya sa mga gurong mabait sa amin dahil kung mayroon ka mang hindi gaanong nauunawaan ay maaari mo siyang tanungin at kung minsan ay may mga pakulong ginagawa ang aming klase na nag-uumpisa ng ingay ay makikisama siya kung minsan pero siyempre hindi maganda kung sobrang ingay kaya pinapagalitan naman kami at para rin naman ito sa amin.
Read More ->>
Miyerkules, Marso 18, 2015
Palagay sa mga Tinalakay na ARALIN
Sa unang aralin na aming tinalakay para sa unang markahan ay hindi naman gaanong mahirap, ang iba ay nalilito pero kaya naman naming habulin upang hindi mahuli sa klase. Sa patuloy na pag-usad ng aming pag-aaral ay may mga aralin talagang ang hirap intindihin sa unang pagtalakay pero nariyan naman ang aming guro upang ipaliwanag ito sa amin ng maayos at ituro sa mas madaling paraan upang mabilis naming matapos ang aralin. Pagdating naman sa huli naming tinalakay na tungkol sa nobelang Noli Me Tangere ay hindi naman ito naging madali dahil sa mga kabanatang may mga malalalim na simbolo o ibig sabihin, pero kinaya naman at dahil ito sa tulong ng aming guro at sa aking mga mababait na kamag-aral, dahil kung minsan ay maari kang magtanong kung mayroon kang hindi naintindihan sa isang kabanata.
Read More ->>
Palagay sa K-12 Kurikulum
Sa aking palagay maayos naman ang K-12 Kurikulum at may positibing resulta ito para sa tulad kong estudyante, dahil layunin nitong magkaroon kami ng mga makabagong kaalaman upang makatulong sa aming pagtungtong sa kolehiyo, nagdagdag din ito ng dalawang baitang sa hayskul upang maging gabay ito sa pagpili ng kurso dahil maraming kabataan ngayon ang nagsasayang ng oras at pera dahil sa maling pagpili ng kurso at minsan ang iba ay hindi na nakakapag-aral dahil naman sa pinansyal na pangangailangan, ang idinagdag na dalawang baitang ay para naring bokasyonal sa kolehiyo at dahil doon ay kahit hindi na sila mag kolehiyo ay makakakuha sila ng maayos na trabaho. Pero para sa akin dahil sa K-12 Kurikulum ay parang mas nahihirapan lang mas lalo ang mga estudyanteng tulad ko dahil imbes na makapagtapos na ay hindi pa at dagdag gastusin din ito para sa iba, ito lamang po ang aking opinyon maraming salamat.
Read More ->>
Linggo, Marso 15, 2015
Biyernes, Marso 13, 2015
REPLEKSYON para sa Ikalawang Linggo ng Marso
Sa linggong ito ay nagkaroon kami ng preliminary exam noong lunes at martes, matapos ang pagsusulit ay tinalakay namin ang tungkol sa mga importanteng kabanata sa Noli Me Tangere na patungkol kila Sisa at Maria Clara, binigyan din kami ng aming guro ng pangkatang gawain, ang naatas sa amin ay gumawa ng isang poster tungkol sa pag-ibig. Ang nag-ulat sa amin ay si Bryan Bueno at Christian Arlante.
Read More ->>
Linggo, Marso 8, 2015
REPLEKSYON para sa Unang Linggo ng Marso
Sa linggong ito ay tinalakay namin ang tungkol sa mga kabanatang pumapatungkol kila Maria Clara, Elias, at Sisa. Dahil taponaming talakayin ang tungkol sa buhay ni Ibarra, pinag-usapan naman namin ang tungkol sa buhay ni Elias. Nalaman namin na ang nagpahirap sa mga ninuno ni Elias ay ang mga ninuno ni Ibarra ngunit kahit na nalaman niya ito ay itinuring niya paring tunay na kaibigan si Ibarra at bukod dun ay si Elias ang naging sandalan, karamay, at katulong niya sa paglaban upang tuluyang mabago ang kanilang bayan. Ang kanyang naging karanasan ay napakahirap sapagkat siya ay naging palaboy noong bata palamang siya at naging anak-anakan ni Kapitan Pablo. Si Maria Clara naman ay nanggaling sa mayamang pamilya at siya ang lubos na iniibig ni Ibarra.
Read More ->>
Biyernes, Pebrero 27, 2015
REPLEKSYON para sa Ika-apat na Linggo ng Pebrero
Sa linggong ito ay sa araw lang ng biyernes ako nakapasok sapagkat isa ako sa tumakbo bilang SSG Officer, ang aking posisyon ay Auditor. Sa araw ng biyernes ay nagbalik aral kami tungkol sa mga mahahalagang kabanata na may kaugnayan kay Crisostomo Ibarra. At binigyan kami ng aming guro ng takdang aralin, ito ay ang pagbubuod ng sumusunod na mga kabanata, sinabihan kami na ilalagay ito sa isang buong papel at kailangan ay sulat kamay, bawal ang gawang kompyuter.
Read More ->>
Biyernes, Pebrero 20, 2015
REPLEKSYON para sa Ikatlong Linggo ng Pebrero
Sa linggong ito ay tinalakay namin ay tungkol sa mga mahahalagang pangyayari tungkol kay Crisostomo Ibarra. Ang bawat pangkat ay naatasan ng iba't-ibang gawain, ang naatas sa aming grupo ay ang ilahad ang mga hangarin ni Crisostomo Ibarra at ang Banta nito. Upang maging patas sa amin, inuna ng aming guro na mag presenta sa harapan ang pinakahuling grupo. Tatlong araw lang kaming nagklase sapagkat walang pasok ng huwebes kasi iyon ay araw ng intsik. At muli naming binalikan ang mga kabanatang may importansya sa aming pag-uusapan para sa linggong ito.
Read More ->>
Biyernes, Pebrero 13, 2015
REPLEKSYON para sa Ikalawang Linggo ng Pebrero
Sa linggong ito ay tinalakay namin ang tungkol sa iba't ibang kabanata ng Noli Me Tangere, inatasan ang bawat grupo upang i-ulat ang mga naatas na mga kabanata. Sa pag-ulat ng natitirang grupo ay may ibang estudyanteng nanood mula sa ibang seksyon. At pagtapos ng bawat grupo na mag-ulat ay dapat kaming gumawa ng gawain na tungkol sa paglalagay ng mga importanteng kaganapan. Sa pagdating ng araw ng biyernes ay inatasan kami na gumawa ng liham sapagkat kinabukasan ay araw na ng mga puso.
Read More ->>
Sabado, Pebrero 7, 2015
REPLEKSYON para sa Unang Linggo ng Pebrero
Sa linggong ito, tinalakay namin ang tungkol sa mga tauhan sa Noli Me Tangere sa pamamagitan ng Parade of Characters, ito ay aming pinaghandaan ng matagal, may estudyanteng napakagaling magsalaysay ng kanilang ginagayang tauhan at ang iba naman ay nabubulol at may kinakabahan. At binigyan din kami ng aming guro ng pangkatang gawain, ito ay ang mga kabanata ng Noli Me Tangere. Ang naatas sa aming grupo ang mga kabanatang 1,2,3,4,5,6,7,8,9, at 10, kami ang unang nag presenta ng aming report, at sinundan ito ng ibang grupo sa ibang araw.
Read More ->>
Biyernes, Enero 30, 2015
REPLEKSYON para sa Ika-apat na Linggo ng Enero
Sa Linggong ito
tinalakay namin ang tungkol sa mga tauhan sa novelang Noli Me Tangere.
Binigyang diin namin ang mga tauhan tulad ni Crisostomo Ibarra ang bida sa
novela, siya ang kumakatawan bilang Jose Rizal sa totoong buhay, dahil tulad ni
Rizal si Ibarra ay nakapag-aral sa Europa at kontra sa Simbahang katoliko dahil
sa mga gawain nitong di-makatarungan. Maaari rin nating ihalintulad si Elias
kay Rizal, ngunit siya ang kabaliktaran ni Rizal, dahil ginagamit ni Elias ang
kanyang lakas upang ipaglaban ang kanilang bayan. Maaaring nabuo ni Rizal ang
mga tauhan sa novela, sa mga taong araw-araw niyang nakakasalamuha at sa
kanyang paligid.
Mga
Tauhan:
Crisostomo Ibarra Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Elias Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Kapitan Tiyago Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Padre Damaso Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Padre Salvi Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara. Maria Clara Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso Pilosopo Tasyo Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Sisa Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit. Basilio at Crispin Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Alperes Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego Donya Victorina Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Donya Consolacion Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali. Don Tiburcio de Espadaña Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina. Linares Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara. Don Filipo Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang Señor Nol Juan Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan. Lucas Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra. Tarsilo at Bruno Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila. Tiya Isabel Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara. Donya Pia Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang. Iday, Sinang, Victoria,at Andeng Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego Kapitan-Heneral Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra. Don Rafael Ibarra Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe. Don Saturnino Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias. Mang Pablo Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias. Kapitan Basilio Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin Tinyente Guevarra Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama. Kapitana Maria Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama. Padre Sibyla Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra. Albino Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa. |
Lunes, Enero 26, 2015
REPLEKSYON para sa Ikatlong Linggo ng Enero
Sa linggong, tinalakay namin ang tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Nagbigay si Gng. Mixto ng mga impormasyong maaaring mai-ugnay sa dahilan kung bakit nasulat ni Dr. Jose Rizal ang Noli Me Tangere. Ito ay ang Pang-aabuso ng mga Prayle, Pagbubukas ng Suez Canal, at ang Pagbagsak ng Espanya sa pagiging kolonisador, ngunit kami ay labis na nahirapan sa pag-ugnay ng mga ito. Tinalakay din namin ang tungkol sa iba pang sulatin ni Dr. Jose Rizal tulad ng Gamo-gamo at si Rizal, at ang Tsinelas. Nagsagawa rin kami ng debate, hinati namin ang klase sa dalawa at ang tanong ay, Dapat ba o di-dapat ginamit ni Rizal ang kanyang panulat sa kapakanan ng bayan? Sa unang grupo ang dapat at sa ikalawang grupo naman ang di-dapat.
Sabado, Enero 24, 2015
Noli Me Tangere
Noli Me Tangere: Mga Tauhan | ||
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela. Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila. Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong. Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela. Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao. Mga Tauhan: Crisostomo Ibarra Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Elias Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Kapitan Tiyago Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Padre Damaso Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Padre Salvi Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara. Maria Clara Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso Pilosopo Tasyo Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Sisa Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit. Basilio at Crispin Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Alperes Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego Donya Victorina Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Donya Consolacion Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali. Don Tiburcio de Espadaña Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina. Linares Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara. Don Filipo Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang Señor Nol Juan Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan. Lucas Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra. Tarsilo at Bruno Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila. Tiya Isabel Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara. Donya Pia Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang. Iday, Sinang, Victoria,at Andeng Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego Kapitan-Heneral Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra. Don Rafael Ibarra Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe. Don Saturnino Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias. Mang Pablo Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias. Kapitan Basilio Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin Tinyente Guevarra Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama. Kapitana Maria Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama. Padre Sibyla Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra. Albino Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa. | ||
Biyernes, Enero 16, 2015
REPLEKSYON para sa Ikalawang Linggo ng Enero
Sa linggong ito, tinalakay namin ang unang pag-aaralan sa pang-apat na markahan. Ito ay ang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal. Ito ay isang klasikong babasahin na ang ibig sabihin sa tagalog ay "Huwag mo akong Salingin" at ang ibig sabihin naman sa Ingles ay "Touch me not". Binigay din sa amin ang ipapasang produkto para sa ika-apat na markahan. Ang produkto ay gagawa kami ng short film tungkol sa Noli Me Tangere. Sa huling araw ng linggo binigyan kami ni G.Mixto ng unang pagtataya, upang malaman kung meron na kaming nalalaman tungkol sa aming tatalakayin.
Read More ->>
Biyernes, Enero 9, 2015
REPLEKSYON para sa Unang Linggo ng Enero
Sa
unang lingo ng Enero, tinalakay namin ang tungkol sa sanaysay. Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na
naglalahad ng matatalinong pagkukuro. Ito'y makatwirang paghahanay ng mga
kaisipan at ng damdamin ng sumusulat ayon sa kanyang karanasan, kaalaman at
haka-haka. Mayroon itong tatlong
element, ito ay ang paksa, tono, at kaisipan. Matapos naming talakayin ito, binigyan kami
ni Gng. Mixto ng takdang aralin. Ang takdang aralin ay manood ng isang
dokumentaryo sa telebisyon. At pagkatapos naming ipasa ang aming
dokumentaryo binigyan ulit kami ni Gng. Mixto ng takdang aralin, ang ibig
sabihin ng sypnosis at ng pangangatwiran. Para sa huling araw ng lingo,
binigyan kami ni Gng. Mixto ng isang pagsusulit bilang review sa darating na
periodical test.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Pinapagana ng Blogger.